naaalala ko pa ang commercial dati ng isang babae na napigtas ang tsinelas na gamit nya at dahil dun umiyak sya. may lumapit sa kanyang lalaki at may inabot na tsinelas at sinabing, 'criselda, sa susunod spartan ang bilhin mo'. wahahaha. grabe na ang evolution ng tsinelas ngayon. kung dati ay pambahay lang ito at pamato sa larong tumbang preso, ngayon ay pang - porma na rin. accepted na ng society na naka - tsinelas sa malls, pasyalan at iba pang lugar. pero hindi na tsinelas ang tawag dito, in - adopt na natin ang pangalang flp flops para medyo sosyal ang dating. syempre hindi rin naman basta - basta ang itsura ng mga flip flops ang makikita natin ngayon. stylish ito, ika nga ;p
for that, here's clay and beads by Anubis summer flip flops ;p
layout by:
sam
Sunday, April 8, 2012
Friday, April 6, 2012
clay and beads by Anubis
clay and beads by Anubis is my newly established online shop. it's my baby... my pride. bata pa ako mahilig na akong magbutingting. kaya naman ng makilala ko ang mundo ng mga beads ay hindi na ako natahimik. natutunan ko kung saan matatagpuan ang mga materials na gagamitin. nalaman ko na ang quiapo at divisoria ay langit ng mga katulad kong gumagawa ng accessories ;p
i started making my own earrings, bracelets and necklace. my ate suggested na gumawa kami nang marami para magbenta. together with her friend, nagsosyo kami. but unfortunately, hindi nag - work :( pinaghati - hatian namin ang mga accessories. isinantabi ko muna ang aking 'passion' sa mga beads to concentrate on my work.
until one day, i had an opportunity na makasama sa isang bazaar. naisip ko agad ang mga natirang accessories namin. pwedeng - pwedeng ibenta yun. dahil maglilipat kami ng bahay ng time na yun ay magulo na ang bahay namin. ipinamahala ko sa kapatid ko ang paghahanap ng accessories. the night before the bazaar day ay naghahanap pa rin ako ng ibebenta hanggang sa mauwi ako sa pagbebenta na lang ng drinks at ilan lang sa mga natagpuang accessories... after that nanahimik na naman ako.
taon ang binilang...hanggang sa makilala ko ang polymer clay. na - excite ako pero dahil hindi ko gaanong kabisado ng paggawa nito kaya bumitaw uli ako. after 2 years bumalik na naman ako. dito ko na binubuo sa isip ko ang clay and beads by Anubis. wala pa akong ginagawang mga ibebenta, nagpagawa lang muna ako sa aking uber talented na artist bestfriend na si sam ng logo ko. from the above logo ay na - inspire na ako nang tuluyan. and because it was december nang mangyari ito, i asked friends na polymer clay ang ibigay sa akin bilang xas gift. i also bought some basic materials from my bonus ( arrgh! ) my first donuts and cupcakes were disaster. kahit ano pang research ko ng mga do's and donts sa pagbe - bake ng polymer clay ay dadaan ka talaga sa trial and error ( most of it were errors ) ;p
i planned to launch clay and beads by Anubis by february so i was looking for a way kung saan ko dadalhin ito. fortunately, foundation day ng aking mga pamangkin sa school and they have booths para magtinda ng ibat - ibang produkto. i grabbed the chance. i talked to the organizer and reserved one booth for me :)
and here comes the problem... dahil trial and error pa ang drama ko sa polymer clay, wala pa akong ibebebenta. super busy ako sa work and di ko maisingit ang paggawa ng mga ito. kailangan kong mag - overnight that time kaya dinala ko sa office ang mga materials ko para dun ako gagawa pag may time
( goodluck ). in between working and coordinating ay gumagawa nga ako. doble effort, sobra ;p saturday ang bentahan pero friday na konti pa lang ang nagawa ko. kailangan ko pang mag - bake at mag - ayos ng mga gagamiting pang - display. 9am ang simula nito pero 4am di pa ako tulog. hinahanap ko yung mga supot na lagayan ng mga bibilhing accessories. 5am natulog ako nang bigo sa paghahanap ng supot...
7am, naalimpungatan ako. nay, late na ako. hilo pa ako dahil kulang sa tulog. nag - ayos ako agad at nagpahatid sa kapatid ko sa school. i was a little awkward pagdating, medyo nahihiya dahil konti lang ang tinda ko compared sa katabi kong gumagawa ng chibis ( japanese slang word for short person or small child ) from polymer clay.
eventually, nawala na rin yung ganung feeling nang magsimula na lumapit ang mga tao para magtingin sa tinda ko. may nagpagawa ng earrings, clip and ring. kahit hindi bumili yung iba ay masaya pa rin dahil sinasabi nilang maganda ang mga gawa ko ;p
photos by:
sam
Thursday, March 29, 2012
S U M M E R A I N Y...
summer is here pero umuulan sa paligid. paano mo naman ma - enjoy ang summer pag ganyan? honestly, i love rain pero dapat dumarating sya kung season nya. unfair naman sa summer kung umeeksena sya ng di naman dapat ;p rain makes people gloomy. natatandaan ko nung bata ako na paborito kong maglaro pag umuulan. nilalaro ko yung manika ko na sira ang mata at basahan lang ang damit :D pag tumigil na ang ulan ay pack up na ang laro ko. weird but pampa - set ng mood ko ang ulan ;p
look around and you'll find me there...
Subscribe to:
Posts (Atom)